CMG Komentaryo: Pakikipagnegosyo sa Tsina, pagpili ng parami nang paraming bansa’t kompanya

2022-10-13 15:11:54  CMG
Share with:


Sa Ika-13 German Mechanical Engineering Summit na ginanap sa Berlin kamakailan, muling malinaw na inihayag ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya ang suporta sa globalisasyon at pagtutol sa paghihiwalay.

 

Diin niya, dapat makipagnegosyo sa maraming bansa na kinabibilangan ng Tsina.

 

Mula sa mga makatarungang pananalita ng mga Europeong opisyal, makikita, na ang pakikipagnegosyo sa Tsina ay nagsisilbing pagpili ng parami nang paraming bansa at kompanya, at ito ay sanhi ng katayuan ng Tsina bilang “pandaigdigang merkado” at “pandaigdigang pagawaan.”

 

Ito ay hindi lamang nakakapagpabuti sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi nagkakaloob din ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa iba’t ibang bansa.

 

Sa pangmalayuang pananaw, sigurado ang prospek ng pag-unlad at determinasyon ng Tsina tungo sa reporma at pagbubukas.

 

Hindi rin nagbabago ang pakikitungo ng Tsina sa patuloy na pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan sa iba’t ibang bansa.

 

Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagpapalawak ng pagbubukas at walang humpay na pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, winewelkam ng Tsina ang kooperasyon mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, at ipinagkakaloob ang lakas-panulak para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio