CPI ng Tsina, tumaas ng 2.8% noong Setyembre

2022-10-14 16:17:09  CMG
Share with:


Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ngayong Biyernes, Oktubre 14, 2022, tumaas ng 2.8% ang consumer price index (CPI) ng bansa noong Setyembre, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang CPI ay pangunahing indeks para sa pagtasa sa implasyon.

 

Samantala, lumaki ng 0.9% ang producer price index (PPI) ng bansa noong Setyembre. Sinusukat ng PPI ang halaga ng bilihin mula sa pabrika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac