Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Agosto 10, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS) ng Tsina, ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina noong nagdaang Hulyo ay tumaas ng 2.7% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2021.
Ang CPI sa buwan ng Hulyo ay naging bagong rekord sapul noong Agosto ng taong 2020.
Ipinahayag ng NBS na sapat na ang kakayahan ng Tsina sa pagsuplay ng mga paninda at serbisyo at isinasagawa ng bansa ang mga hakbangin para maigarantiya ang suplay sa pamilihan at katatagan ng presyo ng mga paninda.
Salin:Ernest
Pulido: Mac