Tsina, pabibilisin ang pagpapatupad ng mga patakaran bilang suporta sa real economy

2022-10-15 15:45:30  CMG
Share with:

Sa kanilang paglahok nitong Oktubre 13, 2022, sa pamamagitan ng video link, sa pulong ng mga ministrong pinansyal at gobernador ng bangko sentral ng mga bansa ng Group of 20 (G20), ipinahayag ng mga opisyal Tsino, na pabibilisin ng Tsina ang pagpapatupad ng mga may kinalamang patakaran, para patuloy na suportahan ang real economy ng bansa.

 

Kabilang dito, sinabi ni Liu Kun, Ministrong Pinansyal ng Tsina, na inilabas na ng kanyang bansa ang mga patakaran bilang suporta sa kabuhayan, at pinabibilis ng mga may kinalamang departamento ang pagpapatupad ng mga patakarang ito.

 

Ipinahayag naman ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China, na nagpopokus ang bangko sentral sa pagsuporta sa mga sektor ng imprastruktura, manupaktura, at real estate.


Editor: Liu Kai

Pulido: Mac Ramos