Tatlong pangunahing bunga sa nakaraang dekada, inilahad ni Pangulong Xi

2022-10-16 11:35:49  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 16, 2022, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang tatlong pangunahing natamong bunga ng mga mamamayang Tsino nitong dekadang nakalipas.

Kabilang dito ang selebrasyon ng sentenaryo ng pagkakatatag ng CPC, pagpasok sa bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagpawi ng ganap na karalitaan at pagkompleto ng pagtatatag ng lipunang may katamtamang kasaganaan sa lahat ng aspekto, saad ni Xi.

 

Ang naturang mga kahanga-hangang gawa ng sambayanang Tsino ay tiyak na isusulat sa kasaysayan ng nasyong Tsino at magdudulot ng malalim na impluwensya sa mundo, dagdag pa ni Xi.

 

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio