Maharmonyang pag-unlad sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, ipaplano ng Tsina

2022-10-17 18:14:54  CMG
Share with:

 

Sa kanyang ulat sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na binuksan kahapon, Oktubre 16, 2022, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na ang paggalang, pagbagay, at pangangalaga sa kalikasan ay mahalagang bahagi ng pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa.

 


Dapat aniyang ipatupad ang ideyang “ang malinaw na katubigan at luntiang kabundukan ay kasinghalaga ng bundok ng ginto at pilak,” at iplano ang pag-unlad batay sa prinsipyo ng harmonya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan.


 

Iniharap din ni Xi ang ilang konkretong hakbangin tungkol sa berdeng pag-unlad, na kinabibilangan ng pagpapaunlad ng mababang karbon na industriya, pagtataguyod ng pamumuhay na mapagkaibigan sa kalikasan, pangangalaga sa dibersidad ng ekolohiya, pagpapasulong ng reporma sa enerhiya, aktibong paglahok sa pandaigdigang pangangasiwa na nakatuon sa pagbabago ng klima, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan