Konstruksyon ng modernong sosyalistang bansa, nukleong tungkulin ng CPC

2022-10-17 18:12:55  CMG
Share with:

 

Sa kanyang ulat sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na binuksan kahapon, Oktubre 16, 2022, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na simula ngayon, ang nukleong tungkulin ng partido ay pamumuno sa mga mamamayang Tsino para itatag ang modernong sosyalistang bansa at pasulungin ang pag-ahon ng nasyong Tsino sa pamamagitan ng modernisasyong may istilong Tsino.

 


Ani Xi, ang modernisasyong may istilong Tsino ay may mga pangunahing elementong kinabibilangan ng pamumuno ng CPC, sosyalismong may katangiang Tsino, de-kalidad na pag-unlad, buong prosesong demokrasyang bayan, pag-unlad sa kultura at etika, komong kayamanan ng lahat ng mga mamamayan, harmonya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, bagong uri ng sibilisasyon, at iba pa.


 

Matatandaang itinakda ng CPC ang dalawang sandaang-taong target para sa pag-unlad ng Tsina: ang una ay pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, at ito ay naisakatuparan noong 2021.


 

Ang ikalawang target ay pagpapasulong ng modernong sosyalistang bansa sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan