Pangunahing patakarang pang-estado ng Tsina, inilabas

2022-10-17 17:53:04  CMG
Share with:

 

Sa kanyang ulat sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na binuksan Oktubre 16, 2022, sa Beijing, inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, ang mga pangunahing patakarang pang-estado sa darating na panahon.

 

Ilan sa mga ito ay hinggil sa mga aspektong gaya ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapayabong ng kanayunan, pagbubukas sa labas, mga serbisyong pang-edukasyon at pangkalusugan, at Isang Bansa Dalawang Sistema.

 


Narito ang mga pangunahing nilalaman sa iba’t ibang aspekto.

 

Pagpapaunlad ng kabuhayan: pagbuo ng modernong sistemang industriyal, at pagpapauna sa real economy.

 


Pagpapayabong ng kanayunan: pagpapatatag sa natamong bunga sa pagpawi ng karalitaan, at pagpapabilis sa konstruksyon ng isang malakas na bansa sa agrikultura.

 

Pagbubukas sa labas: ibayo pang pagpapataas ng lebel ng pagbubukas sa labas, at pagpapasulong sa kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

 


Mga serbisyong pang-edukasyon at pangkalusugan: pagpapabilis sa pagbuo ng de-kalidad na sistema ng edukasyon, pagbibigay priyoridad sa garantiyang pangkalusugan ng mga mamamayan.

 

Isang Bansa Dalawang Sistema: paggigiit sa pagsasagawa ng Isang Bansa Dalawang Sistema sa Hong Kong at Macao, at pagsasakatuparan ng ideyang ito sa pamamagitan ng pinakamalaking katapatan at pagsisikap para sa mapayapang reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan