Kaukulang partido at tauhan ng Taiwan, bumati sa pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC

2022-10-17 16:48:27  CMG
Share with:

Sa mensaheng pambati na ipinadala Oktubre 16, 2022 ng Komite Sentral ng Partido Kuomintang (KMT) sa Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag nitong batay sa pundasyon ng “1992 Consensus” at pagtutol sa “pagsasarili ng Taiwan,” mabunga ang kooperasyon at pagpapalitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

 

Umaasa ang KMT na magpapatuloy ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa CPC upang magkasamang malikha ang kasaganaan at kaunlaran sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

 

Samantala, sa sagot na mensahe ng CPC sa KMT, ipinahayag nitong masalimuot sa kasalukuyan ang kalagayan ng Taiwan Strait, subalit umaasa itong masasamantala ng kapuwa Partido ang pangkalahatang kalagayan, at magkasamang magsisikap para sa kapayapaan ng naturang strait.

 

Ito ay para sa benepisyo ng mga magkakababayan, unipikasyon ng bansa at pagbangon ng nasyon, saad ng CPC.

 

Bukod diyan, nagpadala rin ng mensaheng pambati sa CPC sina Lien Chan at Hung Hsiu-chu, dating lider ng KMT; Wu Cheng-tien, Pangulo ng New Party ng Taiwan; at Lin Pin-kuan, Pangulo ng Non-Partisan Solidarity Union.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio