Tsina, patuloy na magsisikap para sa komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan

2022-10-17 18:19:01  CMG
Share with:


Sa kanyang ulat sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na binuksan kahapon, Oktubre 16, 2022, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na ang pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at pagpapasulong sa komong kaunlaran ay layon ng diplomasya ng Tsina.


Patuloy aniyang magsisikap ang bansa para itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 


Kasama ng ibang mga bansa ng daigdig, itataguyod aniya ng Tsina ang komong hangarin ng sangkatauhan na kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan.

 

Buong tatag na igigiit ng Tsina ang nagsasariling mapayapang patakarang panlabas, dagdag niya.

 


Binigyang-diin ni Xi, na hindi hinahangad ng Tsina ang hegemonya, at hindi rin ito magsasagawa ng ekspansyon.

 

Sa halip, pasusulungin aniya ng Tsina ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, at palalawakin ang pandaigdigang partnership.


 

Igigiit ng Tsina ang pambansang patakaran ng pagbubukas sa labas, pasusulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at susuportahan ang mga umuunlad na bansa na pabilisin ang pag-unlad, saad ni Xi.


 

Ipinahayag din niyang, iniharap ng Tsina ang Global Development Iniative at Global Security Imitative, at nakahanda ang bansa, kasama ng komunidad ng daigdig, na ipatupad ang mga ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan