“Hinding hindi natin pahihintulutang lalaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman. Kailangang buong tatag na pasulungin ang komong kasaganaan at totoong bigyan ng benepisyo ang sambayanan,” – Xi Jinping.
Ang karakter para sa “kasaganaan” sa sinaunang piktograpong Tsino ay binubuo ng“damit”at“pagkaing-butil.” Ibig sabihin, kung ang mga tao ay hindi nag-aalala sa pananamit at pagkain, tiyak na darating ang kasaganaan.
Magkakapamilya at pantay-pantay ang lahat. Bawat isa ay may sapat na pagkain at maisusuot na damit, at makakamit ang masaganang pamumuhay. Ito ang walang patid na pinagpupunyagian ng nasyong Tsino. Nagmula ito sa Kompyusyanismo 2,500 taon na ang nakakaraan.
Ang mithiiing ito ay hene-henerasyong isinasalin ng mga Tsino. Noong 2021, sa ika-100 anibersaryo ng Partido Komunista ng Tsina, naitatag ang lipunang may katamtamang kasaganaan sa lahat ng aspekto at napawi ang ganap na kahirapan.
Sa bagong simula, ang susunod na layunin ay komong kasaganaan. Madalas na sinisipi ni Xi ang klasikong kasabihang Tsino na “ang tunay na kasaganaan ng bansa ay malagong buhay ng sambayanan.” Ito’y nagpapahiwatig ng pagpapauna sa kapakanan ng tao sa kulturang Tsino.
Ayon sa pilosopiyang Tsino, kung masagana ang buhay ng mga tao, tiyak na lalakas ang bansa. Ito ang pinagmulan ng kaisipan ni Xi na unahin ang mamamayan at italaga ang sarili sa paglilingkod sa kapuwa tao. Aniya, sa pagpapasulong ng komong kasaganaan, lahat ay hindi dapat mapabayaan.
Tampok sa pilosopiyang Tsino ang paglilinang sa sarili, pag-aalaga ng pamilya, paglilingkod sa bansa at pag-aambag sa kapayapaan ng mundo. Batay rito, ang komong kasaganaan ay hindi lamang para sa mga mamamayang Tsino, kundi para sa sangkatauhan.
…
Halimbawa, upang mapasulong ang komong kaunlaran, inilusad ng Tsina at mga kapitbansang gaya ng Pilipinas, Indonesya, Kambodya, Laos, at Myanmar ang mga kooperatibong proyekto ng konstruksyon ng imprastruktura. Inilipat din ng Tsina ang teknolohiya ng pagtatanim ng palay sa Papua New Guinea at Fiji.
Ang pagpawi ng karalitaan ay komong mithiin ng sangkatauhan. Ang komong kasaganaan ay magandang hangarin na nakaugat sa libu-lubong taong kasaysayan ng Tsina. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, sinabi ni Pangulong Xi:
“Kailangan nating mainam na isakatuparan, pangalagaan at paunlarin ang mga pundamental na interes ng pinakamalaking posibleng mayorya ng mga mamamayan. Kailangan ding pasulungin ang balanse at aksesibilidad ng pampublikong serbisyo tungo ng komong kasaganaan. ”
Sabay tayong magsikap tungo sa komong kasaganaan.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido/Voice-over: Rhio
Patnugot sa website: Jade
Patnugot sa video: Vera