Komprontasyon, mauuwi lamang sa dead end—MFA

2022-10-20 16:35:29  CMG
Share with:

Sa preskon ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ngayong araw, Oktubre 20, 2022, tinukoy ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang isang mundong watak-watak ay di makakabuti sa interes ng sinuman, at ang komprontasyon ay hahantong lamang sa dead end.

 

Inilahad ni Ma na napakalinaw ng simulain at layunin ng patakarang diplomatiko ng Tsina, ang mga ito ay, pagtatanggol sa kapayapaan ng daigdig, at pagpapasulong sa komong kaunlaran at pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 


Aniya, buong tatag na pinangangalagaan ng Tsina ang sistemang pandaigdig na sentro ang United Nations (UN), kaayusang pandaigdig na ang pundasyon ay pandaigdigang batas, at ang pundamental na norma ng relasyong pandaigdig na ang pundasyon ay simulain ng Karta ng UN, at pinapasulong ng Tsina ang pag-unlad ng global governance tungo sa mas magkatarungan at magkatwirang direksyon.

 

Ang paglulunsad ng ilang puwersa sa daigdig ng bagong cold war, pag-udyok ng komprontasyon, at pagsasagawa ng hegemonismo ay pinakamalaking banta sa kaayusang pandaigdig, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac