Mahigit 600 partido at organisasyong pulitikal, may ugnayan sa CPC sa magkakaibang porma

2022-10-20 16:18:04  CMG
Share with:

Sa preskon ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa diplomasyang may katangiang Tsino ngayong araw, Oktubre 20, 2022, ipinaalam ni Shen Beili, Pangalawang Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, na sa kasalukuyan, ang CPC ay tuluy-tuloy na nakikipag-ugnayan sa mahigit 600 partido at organisasyong pulitikal sa daigdig sa magkakaibang porma.

 

Aniya, malawakan at malaliman nilang isinasagawa ang pagpapalitan at diyalogo, ibinabahagi ang karanasan sa pangangasiwa sa partido at bansa, at magkakasamang pinapataas ang kakayahan sa pangangasiwa.

 


Bukod dito, itinatag ng CPC ang mekanismo ng konsultasyon sa mga partido ng mga kasaling bansa ng Belt and Road, at ibinahagi sa halos 400 banyagang partido ang plano sa pagpigil, pagkontrol at panggagamot sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dagdag niya.

 

Saad ni Shen, sa makabagong panahon, walang humpay na pinapatibay ng CPC ang partnership sa mga partido sa buong mundo, at binibigyang-tulong ang pagpapalalim at pagpapalawak ng patas, bukas at kooperatibong partnership na pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac