Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng bansa na sa mula’t mula pa’y iginigiit ng Tsina ang simulain ng patakarang diplomatiko na ipagtanggol ang kapayapaan ng daigdig at pasulungin ang komong kaunlaran. Nagpupunyagi aniya ang Tsina upang pasulungin ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagkakaisa ang palagay ng mga tagapag-analisa na ang ganitong pahayag ni Xi ay nagpapakita ng determinasyon at kompiyansa ng Tsina sa buong tatag na pagtahak sa landas ng mapayapang pagpapaunlad ng modernisasyon, at patuloy na gagawin ng CPC ang mas malaking ambag para sa kapayapaan, progreso at kasaganaan ng daigdig.
Ang kapayapaan ay paunang kondisyon ng kaunlaran, at ang kaunlaran naman ay garantiya sa kapayapaan.
Sa kasalukuyan, umaabante ang Tsina tungo sa pangalawang pansentenaryong target ng pagtatatag ng dakilang sosyalistang makabagong bansa sa iba’t ibang aspekto. Sa ilalim ng patnubay ng bagong development blueprint, bubuuin ang mas magandang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at daigdig.
Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-76 na Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) noong Setyembre ng 2021, iniharap ni Pangulong Xi ang Global Development Initiative, at ang nukleo nito ay pagpapasulong sa komong kaunlaran, at pagbuo ng komunidad na may komong kaunlaran ng buong mundo.
Ang naturang inisyatiba ay isa pang ambag ng Tsina para sa pagresolba sa problema ng kaunlarang pandaigdig, at nagsisilbing lakas-panulak sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.
Salin: Vera
Pulido: Mac