Buong-prosesong demokrasyang bayan, demokrasya para sa lahat

2022-10-21 17:32:15  CMG
Share with:

Sa ulat ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, inilakip sa kauna-unahang pagkakataon ang konsepto ng “buong-prosesong demokrasyang bayan.”

 


Ayon kay Li Junru, dating Pangalawang Puno ng Party School ng Komite Sentral ng CPC, unang iniharap ni Xi Jinping ang konseptong ito sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai noong Nobyembre 2019, at inilakip din ito noong Marso 2021 sa rebisadong Batas sa Organisasyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

 

Sinabi ni Li, na sa madaling salita, ang “buong-prosesong demokrasyang bayan” ay nangangahulugang, sa buong o pangkalahatang proseso ng takbo ng pulitika ng Tsina, alinsunod sa batas, naisasagawa ng mga mamamayan ang karapatan sa pagboto, pagsasanggunian, pagpapasiya, pangangasiwa, at pagsusuperbisa.

 


Binanggit niya ang isang halimbawa ng buong-prosesong demokrasyang bayan. Ayon kay Li, sa kasalukuhayn, sa mga subdistrict sa maraming lugar ng Tsina, naitayo ang silid ng pagpupulong na tinatawag na “kapitbahayan ng mga delegado,” kung saan nahahalinhan ang itinatalagang mga delegado ng lokal na kongresong bayan, at regular ding idinaraos ang araw ng pagpupulong. Nakikipagtagpo rito ang mga karaniwang mamamayan sa mga delegado ng kongresong bayan, para iulat ang kani-kanilang kinakaharap na problema, o iharap ang mungkahi sa lehislasyon. Ayon pa rin kay Li, sa mga rural na purok, idinaraos paminsan-minsan ang talakayan sa tea house, at inaanyayahan ng mga delegado ang mga mamamayan na uminom ng tsaa, para maging mas malaya at kumportable ang kanilang pag-uusap.


 

Dagdag niya, sinabi minsan ni Xi Jinping, na nilulutas ang mga isyu sa pamamagitan ng pagsasanggunian, ang mga isyu ng mga mamamayan ay pinagsasanggunian ng mga mamamayan, at nararating ang komong palagay ng pinakamaraming mamamayan, ang mga ito ay esensya ng demokrasyang bayan ng Tsina.

 

Inilahad ni Li, na ang ganitong demokrasya ay kabilang sa uri ng “demokrasya sa pamamagitan ng paglahok,” samantala, sa Tsina, ang mga kalahok sa mga suliraning pulitikal ay mga mamamayan, sa halip na alinmang partido at mga kinatawan nito.

 


Binigyang-diin din niyang, sa palagay ng mga Tsino, ang demokrasya ay hindi lamang ipinakikita sa pamamagitan ng halalan, mas mahalaga ay payagan ang mga mamamayan na lumahok sa pangangasiwa ng estado at lipunan at ito ay pinakamabisang paraan ng pagsasakatuparan ng demokrasya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos