Sa ika-5 group interview sa press center ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) nitong Huwebes, Oktubre 20, 2022, isinalaysay ni Zhang Chunlin, Pangalawang Kalihim ng Party Committee ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, na sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, walang tigil ang Xinjiang sa konstruksyon ng mga proyektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng hanap-buhay, edukasyon, pagpapagamot, segurong panlipunan at iba pa, at walang humpay na pinag-iibayo ang kabiyayahan ng buhay ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng aktuwal na pagsisikap.
Aniya, mas binibigyan ngayon ng pagpapahalaga ang kaisipan, kaligayahan at panatag na damdamin ng mga mamamayan ng iba’t ibang lahi.
Nananalig aniya siyang magiging mas maganda ang kinabukasan ng Xinjiang.
Salin: Vera
Pulido: Mac