Pagsasakatuparan ng pansentenaryong target ng PLA, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2022-10-25 16:08:42  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa pulong ng mga namumunong kadreng militar Lunes, Oktubre 24, 2022, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na dapat mataimtim na pag-aralan, palaganapin at ipatupad ang mga prinsipyong tagapagpatnubay ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at masigasig na isakatuparan ang pansentenaryong target ng People's Liberation Army (PLA).

 

Nanawagan din siya para sa pagbubukas ng bagong kayarian para sa pagpapaunlad ng malakas na militar.

 


Diin ni Xi, dapat pabutihin ng buong hukbo ang iba’t ibang gawain bago ang katapusan ng taong ito, ayon sa nakatakdang plano ng komisyong militar, at igarantiya ang pagpapatupad ng mga itinakdang plano.

 

Aniya, kailangang malaman ang mga tungkulin at kahilingan ng makabagong kalagayan, at gawin ang bagong taunang plano sa mga gawain, upang magbigay ng magandang simula sa mga gawain ng hukbo sa susunod na taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio