Sa kanyang talumpati sa preskon ng mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Linggo, Oktubre 23, 2022, inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang mga nukleong tungkulin ng CPC sa makabagong biyahe’t panahon.
Ipinagdiinan niyang dapat walang patid na gawing katotohanan ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay, at likhain ang mas maraming pagkakataon para sa daigdig, sa pamamagitan ng sariling pag-unlad ng Tsina.
Di-mapaghihiwalay ang pag-unlad ng Tsina at daigdig, at kinakailangan din ng pag-unlad ng daigdig ang puwersa ng Tsina.
Pinapabilis ng Tsina ang pagbuo ng bagong kayarian ng pag-unlad na may mahalagang elementong domestikong sirkulasyon.
Maaaring pasulungin ng domestiko at internasyonal na sirkulasyon ang isa’t isa, tungo sa pagtatatag ng sistema ng socialist market economy sa mataas na antas, at pagpapasulong ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel – bagay na magkakaloob ng mas malawak na espasyo ng pag-unlad para sa iba’t ibang uri ng kompanya.
Pagkaraan ng isang sentenaryong sigasig, pinasimulan ng CPC ang bagong biyahe ng komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernong bansa.
Sa ilalim ng pamumuno ng CPC, may kompiyansa at kakayahan ang mga mamamayang Tsino na lumikha ng mas malaki’t makabagong himala, mas mainam na mapapaunlad ang sarili, at mas mabuting maihahatid ang maraming benepisyo sa buong mundo!
Salin: Vera
Pulido: Rhio