Sa unang group study session ng Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos Oktubre 25, 2022, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang komprehensibong pag-aaral, pag-uunawa, at pagpapatupad ng mga gabay na prinsipyo ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, para matamo ang mga bagong tagumpay sa pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa.
Kalahok din sa sesyon ang iba pang 6 na miyembro ng bagong Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, na sina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang, at Li Xi.
Editor: Liu Kai