Pulitburo ng CPC, gumawa ng plano sa pagpapatupad ng mga prinsipyong tagapagpatnubay ng kongreso ng partido

2022-10-26 15:46:02  CMG
Share with:

Nagpulong nitong Martes, Oktubre 25, 2022 ang Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para gumawa ng plano sa pagpapatupad ng mga prinsipyong tagapagpatnubay ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido.

 

Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.

 

Sinuri sa pulong ang mga alituntunin ng Pulitburo hinggil sa pagpapalakas at pangangalaga sa sentralisado’t nagkakaisang pamumuno ng Komite Sentral ng CPC at mga detalyadong tadhana hinggil sa pagpapatupad ng walong puntong desisyon sa work conduct.

 

Tinukoy sa pulong na sa kasalukuyan at sa hinaharap, ang pag-aaral, pagpapalaganap at pagpapatupad ng nabanggit na mga prinsipyong tagapagpatnubay ay mananatiling priyoridad ng mga tungkuling pulitikal ng buong partido at bansa.

 

Diin sa pulong, dapat ipatupad ang mga plano at kahilingan ng kongresong ito sa iba’t ibang larangan ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at ipakita sa mga mamamayan ang aktuwal na bisa ng pagpapatupad ng mga prinsipyong tagapagpatnubay.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac