Pagpapalakas ng rehiyonal na kooperasyon at koneksyon, ipinanawagan ng AIIB

2022-10-27 16:26:35  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos Oktubre 26, 2022, ang 7th Annual Meeting of Board of Governors ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at ito ay nagpokus sa masusing papel ng konstruksyon ng imprastruktura sa pagpapasulong ng pagbangon at paglaki ng kabuhayan, pagpapalakas ng transnasyonal na koneksyon at iba pang tema.

 

Sinabi ni Jin Liqun, Pangulo ng AIIB, na nitong nakaraang 7 taon, walang humpay na isinakatuparan ng AIIB ang multilateralismo, at isinulong ang mataag at mabilis na pag-unlad ng konstruksyon ng estruktura at iba pang larangan.

 

Sa kasalukuyan, lumaki aniya sa 105 ang miyembro ng AIIB, mula sa 57 orhinal na miyembro.

 

Umabot naman sa 191 ang proyektong inaprobahan ng AIIB, nagamit ang mahigit $USD85 bilyong na pondo, at nakinabang ang 33 miyembro sa loob at labas ng Asya, aniya pa.

 

Dagdag ni Jin, ang pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon at konektibidad ay susi ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Binigyan-diin niyang ipinalabas kamakailan ng Tsina ang mga signal ng pagbubukas sa labas at multilateralismo, at ito ay makakatulong sa mga miyembro ng AIIB na isakatuparan ang berdeng pag-unlad.

 

Bukod diyan, susuportahan din aniya nito ang mas malawak na pagbangon ng kabuhayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio