China-ASEAN Education Cooperation Week, sinimulan

2022-08-24 14:21:05  CMG
Share with:

 

Sinimulan nitong Martes, Agosto 23, 2022 sa lunsod ng Guiyang ng lalawigang Guizhou ng Tsina, ang 2022 China-ASEAN Education Cooperation Week.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Sun Chunlan, Pangalawang Premyer Tsino, na nitong 15 taong nakalipas sapul nang maitatag ang mekanismo ng China-ASEAN Education Cooperation Week, nagkaroon ng masaganang bunga ang dalawang panig sa pagpapalagayan ng talento, pagpapalitan ng edukasyon, at kooperasyon sa pansiyensiyang pananaliksik.

 

Ani Sun, nakahanda ang panig Tsino na palawakin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang kooperasyon sa edukasyon, at palalimin ang pagpapalitan ng kultura at talento, para makapagbigay ng panibagong lakas sa relasyong Sino-ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Mac