Xi Jinping, namuno sa bagong liderato ng CPC sa biyahe sa Yan'an

2022-10-27 18:03:33  CMG
Share with:

 

Pumunta kahapon, Oktubre 27, 2022, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at iba pang 6 na miyembro ng bagong Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, sa Yan'an, isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng rebolusyon ng Tsina.

 


Sa biyaheng ito, bumisita sila sa lugar na pinagdausan ng Ika-7 Pambansang Kongreso ng CPC, mga tahanan ni Chairman Mao Zedong at ilang iba pang dating lider ng CPC sa kanilang pananatili sa Yan'an, at Yan'an Revolutionary Memorial Hall na may eksibisyon tungkol sa 13-taong kasaysayan habang nakatalaga sa Yan'an ang Komite Sentral ng CPC.

 


Pagkaraan ng pagbisita, hiniling ni Xi sa lahat ng mga miyembro ng CPC, na manahin ang dakilang diwa at mahusay na etika na binuo ng partido sa Yan'an, at ibuhos ang pagsisikap sa pagpapatupad ng mga target at tungkuling nakatakda sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, para isakatuparan ang pag-unlad na ang sentro ay mga mamamayan, pasulungin ang komong kayamanan, at ibigay sa lahat ng mga mamamayan ang mga benepisyong dulot ng modernisasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos