CMG Komentaryo: Amerika, dapat munang itigil ang sangsyon kung nais tumulong sa Aprika

2022-10-27 16:03:39  CMG
Share with:

Nitong Martes, Oktubre 25, 2022 ay “Araw ng Paglaban sa Sangsyon” na itinakda ng Southern African Development Community.

 

Kasabay nito, muling nanawagan ang maraming bansang Aprikano sa mga bansang kanluraning gaya ng Amerika na alisin ang sangsyon laban sa Zimbabwe.

 

Sa pangkalahatang debatehan ng Ika-77 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) kamakailan, mariing kinondena ni Pangulong Hage Geingob ng Namibia ang ilegal na sangsyong ipinapataw ng Amerika at ibang bansang kaluranin sa Zimbabwe nitong nakalipas na mahabang panahon.

 

Aniya, dapat hayaan ang bansa na makahulagpos sa mabigat na sangsyon, at makuha ang pagkakataong pangkaunlaran.

 

Lampas sa 20 taon na ang unilateral na sangsyon ng Amerika laban sa Zimbabwe.

 

Ayon sa datos, nitong nakalipas na dalawang dekada, umabot sa mahigit US$40 bilyon ang kapinsalaang pangkabuhayan ng Zimbabwe dulot ng sangsyon.

 

Sa katotohanan, ang sangsyon ng Amerika laban sa Zimbabwe ay isa lamang halimbawa ng pangmatagalang pakikialam sa mga suliraning panloob ng mga bansang Aprikano.

 

Makaraang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, malinaw nitong pinainit ang diplomasya sa Aprika. Sa kabila nito, unibersal pa ring ipinalalagay ng opinyong publiko na sa ilalim ng mabilis na pagsusulong ng Amerika sa kompetisyon ng malalaking bansa, ang umano’y bagong estratehiya sa Aprika ay hindi upang makatulong sa pag-unlad ng kontinente, sa halip, layon nitong gawing ahedres at kasangkapan sa sariling estratehikong kapakanan ang Aprika, sa ngalan ng kooperasyon.

 

Kung nais ng Amerika na makipagkooperasyon sa Aprika, dapat muna nitong itigil ang mga sangsyon laban sa ilang bansang Aprikano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio