Monday, 24  Mar

CMG Komentaryo: Amerika, dapat matuto sa bigong tariff war laban sa Tsina

2022-10-14 11:57:06  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng pahayagang “The Hill” ng Amerika ang artikulo na kumikilalang bigo ang patakaran ng Amerika sa pagpapataw ng karagdagang taripa laban sa Tsina.

 

Napatunayan ng katotohanan na ang naturang tariff war na tumatagal ng mahigit 4 na taon ay malubhang nakapinsala lang sa sariling interes ng Amerika.

 

Ayon sa datos, isinabalikat ng panig Amerikano ang lampas sa 90% kapital ng taripa sa trade war nito laban sa Tsina.

 


Samantala, bigo rin ang tangkang pulitikal ng Amerika.

 

Nitong nakalipas na mahigit 4 na taon, umuunlad ang Tsina ayon sa nakatakdang iskedyul, at buong sipag na bumubuo ng bagong kayariang pangkaunlaran na ang mahalagang elemento ay domestic circulation, at kayang pasulungin ang parehong domestic at international circulations.

 

Sa labanang inilunsad ng Amerika, hindi lamang ipinagtanggol ng Tsina ang dignidad at nukleong interes ng bansa, kundi napasakamay rin ang inisyatiba para sa kaunlaran at seguridad.

 

Sa antas ng batas naman, kaduda-duda rin ang mga kilos ng panig Amerikano.

 

Ang pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa laban sa Tsina ay nababatay sa Section 301 ng Trade Act of 1974. Nagbibigay ito ng kapangyarihan sa trade representative ng Amerika sa paglulunsad ng imbestigasyon sa ibang bansa, at pagharap ng mungkahi sa pangulong Amerika sa pagpapataw ng unilateral na sangsyon.

 

Nakakapinsala ito sa multilateral na pundasyon ng World Trade Organization (WTO), at malawakang binabatikos ng komunidad ng daigdig.

 

Walang duda, matindi ang nakuhang pinsala ng Amerika mula sa bigong tariff war nito laban sa Tsina, at kung paanong matututo mula sa mga aral nito ay magsisilbing pagsubok sa katalinuhan ng mga pulitikong Amerikano.

 

Napatunayan at patuloy na mapapatunayan ng kasaysayan na ang pagbubukas ay siyang tanging landas tungo sa kinabukasang may kooperasyon at win-win situation.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac