Nakipagtagpo kahapon, Oktubre 28, 2022, sa Beijing, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Nicholas Burns, Embahador ng Amerika sa Tsina.
Sinabi ni Wang, na nasa kritikal na yugto ang relasyong Sino-Amerikano, at tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping, ang paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at pagtutulungan para sa win-win na resulta ay mga batayan ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag din niya ang pag-asang magiging tulay si Burns sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag naman ni Burns, na nakahanda ang Amerika, kasama ng Tsina, na palakasin ang pag-uugnayan, kontrulin ang mga pagkakaiba, at pasulungin ang pagtutulungan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos