Bagyong Paeng, ikinamatay ng 45 katao sa Pilipinas; Embahadang Tsino, handang tumulong

2022-10-29 17:55:12  CMG
Share with:

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang ngayong umaga, umabot sa 45 ang bilang ng mga nasawi sa mga baha at landslide na dulot ng Bagyong Paeng sa ilang lugar ng Pilipinas.

 

Ayon pa rin sa NDRRMC, nasira rin sa bagyo ang mahigit 280 tahanan at apektado ang halos 50 libong pamilya.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na mula kahapon, patuloy na kumikilos ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para siguruhing naipaparating ang tulong sa mga kababayang sinasalanta ngayon ng Bagyong Paeng.

 

Samantala, sa kanyang post sa social media sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na hangad niya ang kaligtasan ng lahat. Nasa isip at mga panalangin niya ang mga biktima at apektadong mga komunidad ng Bagyong Paeng.

 

Sinabi rin niyang handa ang Embahadang Tsino, na iabot ang suporta at makipag-ugnayan sa pamahalaan ng Pilipinas, para tumugon sa kalamidad na ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos