Muling pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, binati ni PBBM

2022-10-28 12:19:49  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas, kaugnay ng muling pagkahalal ng kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Saad niya, nitong nakalipas na 10 taon, sa ilalim ng pamumuno ni Xi, komprehensibo’t di mapaparisan ang tagumpay na natamo ng Tsina.

 

Nakahanda aniya siyang magpunyagi, kasama ng bagong liderato ng CPC, para patuloy na palalimin ang relasyong Pilipino-Sino, at gawin ang ambag sa kaunlaran ng dalawang bansa at kapayapaa’t kasaganaan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac