Sa kanyang paglalakbay-suri mula Oktubre 26 hanggang Oktubre 28, 2022, sa mga lalawigang Shaanxi at Henan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat komprehensibong pasulungin ang pagyabong ng kanayunan, at ibuhos ang walang tigil na pagsisikap para isakatuparan ang modernisasyon ng agrikultura at kanayunan.
Sa Shaanxi, bumisita si Xi sa isang taniman ng mansanas at pagawaan ng pag-uuri at pag-iimpake ng mga mansanas sa Nayong Nangou ng lunsod ng Yan’an.
Pagkaraan ng pagbisita, sinabi ni Xi, na ang paggamit ng mga maunlad na teknolohiya sa nayong ito para itanim ang mansanas at paunlarin ang industriya ng mansanas ay magandang halimbawa ng modernisasyon ng agrikultura.
Sa Henan naman, pumunta si Xi sa Red Flag Canal sa lunsod ng Linzhou. Ang Red Flag Canal ay isang proyekto ng patubig na tumawid ng bundok, at ginawa sa loob ng halos sampung taon noong 1960s.
Tinukoy ni Xi, na ang kanal na ito ay sumasagisag ng diwa ng mga Tsino na hindi sumuko sa kahirapan, at ang inspirasyong dulot ng proyektong ito ay nananatili hanggang sa kasalukuyan.
Ang inspeksyong ito ay unang biyahe ni Xi pagkaraan ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa panahon ng biyahe, sinabi rin niyang, gagawin ng CPC ang mas malaking pagsisikap, para tuluy-tuloy na maging mas mabuti at mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang CPC ay partidong nag-uugat sa mga mamamayan, at naglilingkod din sa mga mamamayan, saad niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos