Sa paanyaya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, opisyal na dumalaw sa Tsina mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2022, si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sa kanilang pag-uusap Oktubre 31, inihayag ng kapuwa panig na walang patid na pasusulungin ang komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa makabagong panahon sa bagong antas.
Si Nguyen Phu Trong ang unang banyagang lider na kinatagpo ni Xi pagkatapos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Ito rin ang kauna-unahang biyahe sa ibayong dagat ng lider Biyetnames pagkaraan ng Ika-13 Pambansang Kongreso ng CPV.
Sa kasalukuyan, nasa bagong panahon ng ligalig at transpormasyon ang daigdig.
At para rito, inihayag ni Xi ang tatlong mungkahi para mapag-ibayo ang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames, na kinabibilangan ng una: paggigiit ng dalawang panig sa pag-abante ng sosyalismo, pagpapatibay ng pundasyon ng sosyalistang ekonomiya, at pagpapalaganap ng tradisyonal na pagkakaibigan.
Lubusan namang sumang-ayon si Nguyen Phu Trong sa mga mungkahing ito.
Aniya, ang tradisyonal na ugnayan ng Biyetnam at Tsina ay bilang magkapitbahay, “magkapanalig at magkapatid.”
Ang pagpapalakas ng ugnayan at koordinasyon ng Tsina at Biyetnam sa mga multilateral na usapin, pagsuporta sa isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala ng isa’t isa, at magkasamang pagtatanggol sa multilateralismo at katarungan ng daigdig ay makakapagpasulong din sa mapayapang pag-unlad ng rehiyon, at ng buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Rhio