155, death toll sa Bagyong Paeng sa Pilipinas; Ministrong Panlabas ng Tsina, nagpahayag ng pakikiramay

2022-11-05 16:38:18  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong umaga, Nobyembre 5, 2022, ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 155 ang bilang ng mga nasawi dala ng mga kapahamakang dulot ng Bagyong Paeng sa Pilipinas.

 

Kasabay nito, 129 na katao ang nasugatan, at nawawala pa rin ang 34.

 

Samantala, ipinadala kamakalawa ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mensahe kay Luis Enrique Manalo, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, bilang pakikiramay sa malaking kasuwalti at kapinsalaan ni Bagyong Paeng.

 

Ipinahayag din niya ang pananalig, na sa pamamuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pamahalaang Pilipino, tiyak na mapapanumbalik sa lalong madaling panahon ang normal na pamumuhay at trabaho ng mga tao sa mga apektadong lugar ng bagyo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos