Ipinadala ngayong araw, Nobyembre 3, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, ang mensahe ng pakikiramay kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa Pilipinas.
Sa mensahe, sinabi ni Xi, na nabigla siyang malaman na ang naturang bagyo ay nagdulot ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag niya ang pakikidalamhati sa mga nabiktima, at pakikiramay sa mga naulilang pamilya, pati rin sa mga nasugatan.
Nananalig aniya siyang, sa pamamuno ni Pangulong Marcos at pamahalaang Pilipino, tiyak na malalampasan ng mga tao sa mga apektadong lugar ang kalamidad, at muling maitatayo ang kani-kanilang tahanan.
Nakahanda ang panig Tsino na magbigay ng tulong sa panig Pilipino, sa abot ng kakayahan, para sa rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad, dagdag ni Xi.