Porum sa trade digitalization, idinaos sa Shanghai

2022-11-08 14:49:53  CMG
Share with:

 

Idinaos Nobyembre 7, 2022 sa lunsod Shanghai, Tsina ang 2022 Trade Digitalization for Cross-Border E-commerce Development Forum, isang side forum ng ika-5 China International Import Expo (CIIE).

 

Tinalakay dito ng mga kalahok na dalubha mula sa Tsina at ibang mga bansa ang mga isyung gaya ng mabisang paggamit ng digital technology, pagtatatag ng plataporma ng pagpapalitan ng datos sa iba’t ibang tsanel ng e-commerce, at pagpapasulong kasaganaan at katatagan ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio