Lumampas na sa 600 milyong USD ang onesite export sales ng Pilipinas sa Ika-5 China International Import Exhibtion (CIIE).
Ayon sa ulat ng Philippines-China Food Cooperation and Business Forum na idinaos kaninang umaga sa Shanghai, sa magkakasamang pagsisikap ng Export Marketing Bureau ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, China Chamber of Commerce of Import and Export of Foodstuffs, Native Produce and Animal By-Products (CFNA), Shanghai Food Association, at Bank of China, sa kasalukuyang CIIE, nilagdaan na ng sampung kompanyang Pilipino at labing isang kompanyang Tsino ang Purchase Agreement na nagkakahalaga nang 607.41 milyong USD.
Sa kanyang opening remarks sa porum, sinabi ni Consul General Josel F. Ignacio ng Pilipinas sa Shanghai ng Tsina na mula noong 2018, ang CIIE ay naging isang mahalagang plataporma para sa Pilipinas at Tsina sa pagpapahigpit ng ugnayang pang-ekonomiya, at isang mahalagang pagkakataon ng pagpapakilala at pagpasok sa merkadong Tsino para sa mga produktong pinoy, particular na, mga pagkain at produktong agricultural. Ito ang dahilan kung bakit bawat taon, patuloy na lumalaki ang FOOD PHILIPPINES Pavilion.
Nananatiling tumataas ang pagluluwas ng mga saging ng Pilipinas sa China. Noong 2020, umabot sa USD 494.04 milyon ang kabuuang halaga ng mga saging na iniluluwas sa Tsina na katumbas nang 65.05% ng lahat ng pagkain ng Pilipinas na iniluluwas sa China. Samantala, popular naman ang mga pinya, mani, buhay na isda at tuyong niyog ng Pilipinas sa merkadong Tsino, Dagdag pa ni ConGen Josel.
Nilahukan ang nasabing forum naman ni Cao Derong, President of CFNA, sinabi niyang napakalaki ng mercado ng Tsina. Mula Enero hanggang Setymbre, lumapas na sa 176.25 trilyong USD ang produkong agricultural na iniaangkat ng Tsina. Puwedeng magkomplement sa isa’t isa ang mga produktong agrikultura ng Tsina at Pilipinas, kaya, may malalaking potensiyal at malawakang espasyo ng paggalugad.
Reporter: Sissi