Pagsasanay ng sandatahang-lakas at paghahanda sa labanan, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2022-11-09 11:54:22  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri Martes, Nobyembre 8, 2022 sa Joint Operations Command Center (JOCC) ng Central Military Commission (CMC), ipinagdiinan ni Xi Jinping, Tagapangulo ng CMC, Commander-in-chief ng JOCC at Pangulo ng bansa, na dapat ipokus ng buong sandatahang-lakas Tsina ang lahat ng enerhiya sa paghahanda sa labanan, pagpapalakas ng kakayahan upang magapi ang potensyal na kalaban, at mabisang matupad ang mga misyon at tungkulin sa makabagong panahon.

 


Aniya pa, kailangang buong tatag na ipagtanggol ng sandatahang-lakas ang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at tupdin ang iba’t ibang tungkuling ibinibigay ng partido at mga mamamayan.

 


Layon ng nasabing lakbay-suri na ipakita ang pakikitungo ng bagong CMC sa pagpapatupad ng mga prinsipyong tagapagpatnubay ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, at palakasin ang determinasyon sa pagsasanay ng tropa at paghahanda para sa labanan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio