CMG Komentaryo: CIIE, mahalagang plataporma sa pagpapakilala ng mga bagong produkto’t teknolohiya sa daigdig

2022-11-09 15:44:09  CMG
Share with:

 

Maraming bagong produkto’t teknolohiya ang isinapubliko sa Ika-5 China International Import Expo (CIIE) na idinaraos sa lunsod Shanghai, Tsina.

 

Ang mga ito ay hindi lamang nagdulot ng sariwang panlasa sa mga tagatangkilik, kundi nagpasulong din sa pagbabahaginan ng inobasyon ng mga kompanya ng buong daigdig.

 

Nitong 5 taong nakalipas, patuloy na dumarami ang mga kompanya’t taong lumalahok dito, at ang inobasyon ay isang mahalagang dahilan ng kanilang pagsali.

 

Kaugnay nito, mahigit 170 bagong produkto ang ipinakilala sa Ika-5 CIIE, at mula una hanggang ikaapat na CIIE, isinapubliko ang mahigit 1,500 bagong produkto, teknolohiya at serbisyo.

 

Ang Tsina ay may mahigit 1.4 bilyong populasyon na kinaibilangan ng mahigit 400 milyong may katam-tamang kita o middle income, pataas.

 

Dahil dito, ang Tsina ay mahalagang pamilihang umaakit sa mga bunga ng inobasyon.

 

Gayundin, ang CIIE ay isang lagusan ng bansa sa pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas.

 

Sa Ika-5 CIIE, ipinahayag ng Tsina na ibabahagi nito sa iba’t ibang bansa ang pagkakataon ng pag-unlad na hatid ng merkadong Tsino.

 

Ito ay nagpapatatag ng kompiyansa ng mga transnasyonal na bahay-kalakal.

 

Maliban diyan, pinasusulong din ng CIIE ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng daigdig.

 

Masasabing sa pamamagitan ng nasabing ekspo, hindi lamang makikita ng mga tao ang mga bagong produkto at teknolohiya, masisilayan din nila ang maunlad na bukas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio