Pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad, kailangang isulong - Xi Jinping

2022-11-14 19:21:26  CMG
Share with:


Sa pag-uusap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, Nobyembre 14, 2022, sa Bali, Indonesya, sinabi ng pangulong Tsino na sa tulong ni Biden, nais niyang pasulungin ang pagbalik ng ugnayan ng dalawang bansa sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Dagdag niya, ang kasalukuyang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi angkop sa saligang kapakanan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at hindi rin angkop sa inaasahan ng komunidad ng daigdig.

 

Sinabi ni Xi kay Biden, na kailangan nilang ipakita’t ituro ang tamang direksyon ng pag-unlad ng ugnayang Sino-Amerikano, upang ito’y mapatatag, mapalakas ang pag-asa ng mundo para sa kapayapaan at katatagan, at magbigay ng lakas sa komong pag-unlad.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan