Tsina at mga bansang ASEAN, may kakayahan upang maayos na resolbahin ang isyu ng SCS

2022-11-15 15:43:42  CMG
Share with:

Inilabas sa Ika-25 Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Nobyembre 11, 2022 ang Magkasanib na Pahayag hinggil sa Ika-20 Anibersaryo ng Declaration on the Conduct (DOC) of Parties in the South China Sea (SCS).

 

Kaugnay nito, sinabi Nobyembre 14 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinakikita ng naturang pahayag ang determinasyon at kompiyansa ng Tsina at mga bansang ASEAN sa magkakasamang pagtatanggol sa kapayapaan at katatagan ng SCS.

 

Muli aniya nitong pinatutunayan na kaya, may kompiyansa, at may sapat na katalinuhan ang kapuwa panig upang maayos na hawakan ang isyu ng SCS.

 

Dagdag ni Mao, ipinangako rin ng pahayag na patuloy, komprehensibo, mabisa at kumpletong ipapatupad ng Tsina at ASEAN ang DOC; igigiit ang mapayapang pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian ng mga soberanong bansang may direktang kaugnayan sa isyu; patuloy na pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng pangangalaga sa kapaligirang pandagat, pananaliksik na pansiyensiya’t panteknolohiya sa dagat, seguridad ng paglalayag at transportasyon sa dagat, pagliligtas, pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen at iba pa; at magsisigasig upang marating sa lalong madaling panahon ang Code of Conduct in the South China Sea na may bisa at substansyal na nilalaman, at angkop sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio