Xi Jinping at Yoon Suk-yeol, nagtagpo

2022-11-16 13:26:20  CMG
Share with:

 

Nobyembre 15, 2022, Bali Island, Indonesya – Sa pakikipagkita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea, tinukoy ni Xi na ang matatag at malusog na relasyong Sino-Timog Koreano ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa.

 

Ani Xi, dapat pabilisin ng Tsina at Timog Korea ang talastasan hinggil sa bilateral na malayang kalakalan at palalimin ang kooperasyon sa modernong manupaktura, big data, at berdeng ekonomiya.

 

Dapat din aniyang magkasamang pangalagaan ang sistema ng malayang kalakalang pandaigdig at igarantiya ang seguridad, katatagan at kaayusan ng industrial at supply chain ng daigdig.

 

Kasama ng Timog Korea, nakahanda ang Tsina na isulong ang pagpapalitang tao-sa-tao, ugnayang pangkultura, at pagkokoordinahan sa ilalim ng balangkas ng G20, dagdag pa ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Yoon na sa tulong ng Tsina, umaasa ang kanyang bansa na panatilihin ang pagpapalagayan sa iba’t ibang antas, palalimin ang pagpapalitang pangkultura at tao-sa-tao, pangalagaan ang malayang kalakalan, upang maharap ang mga hamong pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio