Modernisasyon ng Tsina, magkakaloob ng pagkakataon sa Espanya at daigdig – Xi Jinping

2022-11-16 12:26:27  CMG
Share with:

Bali, Indonesya — Sa kanyang pakikipagtagpo kay Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya Martes, Nobyembre 15, 2022, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpapasulong sa modernisasyon at paggigiit sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina ay magkakaloob ng bagong pagkakataong pangkaunlaran sa iba’t ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Espanya.

 


Umaasa si Xi na patitingkarin ng panig Espanyol ang positibong papel para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.

 

Inihayag naman ni Sanchez ang kahandaan sa aktibong pagpapasulong sa diyalogo at kooperasyong Europeo-Sino sa iba’t ibang larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio