Mensahe ng pagbati sa Ika-50 Anibersaryo ng Diplomatikong Relasyong Sino- Luxembourg, inihayag nina Xi Jinping at Grand Duke Henri

2022-11-16 16:52:37  CMG
Share with:

Nagpalitan ng mensaheng pambati, Nobyembre 16, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Grand Duke Henri ng Luxembourg, kaugnay ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Diplomatikong Relasyong Sino- Luxembourg.

 

Sinabi ni Xi, na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahanda siyang magpunyagi, kasama ni Grand Duke Henri, upang pasulungin ang tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Inihayag naman ng duke ang kahandaan sa pagpapasulong sa pagpapalitan at pagtutulungan, at magkasamang pagtatanggol sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio