Didyitalisasyon at paglawak ng didyital na ekonomiya, mahalagang elemento ng kabuhayang pandaigdig – Xi Jinping

2022-11-16 16:27:15  CMG
Share with:

Nobyembre 16, 2022, Bali, Indonesya – Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa sesyon ng Ika-17 Summit ng Group of 20 (G20) na sa kasalukuyan, lumalawak ang didyital na ekonomiya, bumibilis ang didyitalisasyon ng buong mundo, at nagsisilbi itong mahalagang elemento ng kabuhayang pandaigdig.

 

Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, mas maraming komong palagay ang narating ng G20 sa usapin ng pag-angkop sa didyitalisasyon, at pagpapaunlad ng didyital na ekonomiya.

 

Dahil dito, mas marami aniyang kooperasyon ang naisulong.

 

Umaasa siyang patitingkarin ng iba’t ibang panig ang kasiglahan ng didyital na kooperasyon, at ihahatid ang benepisyo ng pag-unlad ng didyital na ekonomiya sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Hinggil dito, nagharap siya ng ilang mungkahing gaya ng: paggigiit sa multilateralismo at pagpapalakas sa kooperasyong pandaigdig; pagbibigay-priyoridad sa kaunlaran at pagpawi sa agwat ng didyitalisasyon; at pagsusulong sa inobasyon at pagpapabilis ng pagbangong pang-ekonomiya pagkaraan ng pandemiya.

 

Pinagtibay rin nang araw ring iyon ang deklarasyon ng Summit ng G20.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio