Op-Ed: Aktuwal na hakbang para sa magkasamang pag-unlad ng mga bansa sa daigdig, isinasagawa ng Tsina

2022-11-17 16:11:30  CMG
Share with:

 

Sa kanyang talumpati sa Ika-17 Summit ng G20 sa Bali Island, Indonesya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kinakaharap ngayon ng kalagayang pandaigdig ang malulubhang hamong gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mabagal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, heopulitikal na sagupaan, at krisis sa enerhiya’t pagkaing-butil.

 

Apektado aniya ng naturang mga hamon ang maraming bansa sa iba’t ibang rehiyon, at ang paglutas sa mga ito ay nakasalalay sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang bansa.

 

Bilang tugon, iminungkahi niya ang pagtatayo “Community with a Shared Future for Mankind” at sundin ang prinsipyo ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagbabahaginan, bilang pamalit sa pagkakawatak, komprontasyon at eksklusibidad.

 

Layon aniya ng mga ito na pasulungin ang komong pag-unlad ng buong daigdig.

 

Bilang isang responsableng bansa, isinasagawa ng Tsina ang mga aktuwal na aksyon, paliwanag niya.

 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, aktibo aniyang pinasusulong ng Tsina ang kooperasyon sa ibang mga bansa para magkasamang maharap ang hamon ng pandemiya, tulad ng pagkakaloob ng mga bakuna sa mga bansang may pangangailangan, pagpapadala ng mga grupong medikal sa mga apektadong rehiyon, at iba pa.

 

Ang Tsina ang unang bansang nagkaloob ng bakuna sa Pilipinas.


 

Bukod dito, halos 26 milyong bakunang yari sa Tsina ang binili rin ng Pilipinas, at ang mga ito ay nagbigay ng mabisang tulong sa mga Pilipino upang iwasan ang banta ng COVID-19.

 

Kaugnay ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, nagbigay rin ng ambag ang Tsina.

 

Sa katatapos na Ika-5 China International Import Expo (CIIE), USD$73.52 bilyon ang halaga ng napirmahang mga tentatibong kasunduan sa produkto’t serbisyo.

 

Ito ay nakapagpasigla sa pagbangon ng kabuhayan ng ibang mga bansa.

 

Bukod diyan, 63 kompanyang Pilipino ang nagluwas ng mahigit USD$600 milyong halaga ng produkto sa Tsina dahil sa nasabing ekspo.

 

Ang bilang na ito ay naging rekord sa kasaysayan ng paglahok ng Pilipinas sa CIIE.

 

Malaking pakinabang ang idinulot nito sa mga bahay-kalakal ng Pilipinas at nakabuti rin sa kabuhayang Pilipino.

 

Maliban pa riyan, ang ng Tsina mabunga rin ang pagtutulungang Sino-Pilipino sa konstruksyon ng imprastruktura at pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas.

 

Noong Oktubre 27, 2022, pormal na sinimulan ang pagtatayo ng Samal Island-Davao City Connector Bridge, na isa sa mga kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) at Build Build Build.


 

Ang tulay ay may habang 3.81 kilometro at may two-way, four lanes.

 

Makaraan itong matapos, magiging mas kombiyente ang paglalakbay sa pagitan ng Samal at Davao, at magbubunsod ng pag-unlad ng turismo at magkakaloob ng maraming trahabo.

 

Ang Pilipinas ay bansang madalas maapektuhan ng mga bagyo.

 

Sa tuwing mananalasa ang mga bagyo, agarang ipinagkakaloob ng Tsina ang mga makataong tulong sa panig Pilipino.

 

Noong katapusan ng Oktubre, nanalanta ang bagyong Paeng na nagresulta sa pagkamatay ng 155 katao at pagkawala ng 34 na iba pa.

 

Sa menmsahe ni Pangulong Xi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi niyang sa abot ng makakaya, nakahanda ang panig Tsino na magbigay ng tulong sa rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad.

 

Kaugnay nito, agarang ipinagkaloob ng Embahadang Tsino ang mahigit Php 4 milyong materyal na tulong sa mga apektadong mamamayan na kinabibilangan ng tubig-maiinom, bigas at iba pang suplay. 

 


Sa kanyang talumpati sa G20 Summit sa Bali Island, ipinahayag din ni Xi na dapat isabalikat ng malalaking bansa ang sariling responsibilidad tungo sa pagpapasulong ng komong pag-unlad ng daigdig.

 

Ang tulong ng Tsina sa Pilipinas ay tunay na halimbawa ng pagsasabalikat ng responsibilidad ng isang malaking bansa.

 

Ipinahayag pa ni Pangulong Xi, na ang modernisasyon ng Tsina ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa daigdig, magpapasulong ng malakas na kooperasyong pandaigdig at magbibigay ng mas malaking ambag para sa progreso ng buong sangkatauhan.


Nitong ilang taong nakalipas, palagiang isinasagawa ng Tsina ang mga hakbang sa paglaban sa COVID-19, pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at magkasamang pag-unlad ng mga bansa.

 

Ipinakikita rin ng nasabing pahayag ang determinasyon ng Tsina sa pagsasabalikat ng responsibilidad ng isang malaking bansa tungo sa pagtutuloy ng komong pag-unlad ng daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Jade