Nagtapos Miyerkules, Nobyembre 16, 2022 sa Bali, Indonesya ang Ika-17 Summit ng Group of 20 (G20).
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang pasulungin ng mga kasapi ng G20 ang kaunlarang pandaigdig na mas inklusibo, benepisyal sa lahat, at may puwersa ng pagbangon.
Ang kaunlaran ay susi para maresolba ang lahat ng mga problema, at ito rin ang nukleong lakas-panulak sa pagpapasulong ng pagbangon.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, anong uri ng kaunlaran ang ating kailangan?
Ang kaunlaran na mas inklusibo, benepisyal sa lahat, at may puwersa ng pagbangon ang sagot ng Tsina.
Ang mas inklusibong kaunlarang pandaigdig ay nangangahulugang dapat igalang ng iba’t ibang bansa ang isa’t isa, hanapin ang mga larangang maaring mapagkaisahan, itayo ang mapayapang pakikipamuhayan, at pasulungin ang pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig, habang isinasa-isangtabi ang pagkakaiba.
Samantala, ang benepisyal sa lahat na kaunlarang pandaigdig ay tumutukoy sa matapat na pagtulong ng mga mas maunlad na bansa sa ibang bansa, upang isakatuparan ang komong kaunlaran.
Kaugnay ng kaunlarang pandaigdig na may puwersang bumangon, iminungkahi ni Pangulong Xi ang pagbuo sa pandaigdigang pagsasama-sama o global partnership tungo sa pag-ahon ng kabuhayan.
Ipinagdiinan din niyang dapat bawasan ng mga maunlad na ekonomiya ang negative spillover na dulot ng pagsasaayos ng kanilang patakarang pansalapi.
Ang tinig ng Tsina sa Bali Summit ng G20 ay muling nagbubuklod ng mga komong palagay, at nagbibigay-patnubay sa kaunlarang pandaigdig.
Ang hakbang ng Tsina tungo sa modernisasyon ay tiyak na magkakaloob ng mas maraming pagkakataon sa daigdig, at makakapagpasulong sa komong pagbangon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio