Xi Jinping, bumati sa mga bagong miyembro ng Presidency of Bosnia and Herzegovina

2022-11-18 14:44:42  CMG
Share with:

Ipinaabot Nobyembre 17, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagbati kina Zeljka Cvijanovic, Zeljko Komsic at Denis Becirovic, sa kanilang panunungkulan bilang mga bagong miyembro ng Presidency of Bosnia and Herzegovina (BiH).

 

Tinukoy ni Xi na nitong mga nakaraang taon, nanatiling matatag ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at BiH sa ilalim ng matibay na pagtitiwalaan at mabungang mga praktikal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Aniya pa, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa BiH, at nakahanda siyang magsikap, kasama ng mga miyembro ng presidency ng nasabing bansa, para ibayo pang mapalalim ang tradisyunal na pagkakaibigan at win-win na kooperasyon, at mapasulong ang bilateral na relasyon sa mas mataas na lebel tungo sa pagkakamit ng pag-unlad ng mga mamamayan ng dalawang panig.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio Zablan