Nagkaroon ng maikling pag-uusap, ngayong araw, Nobyembre 19, 2022, sa Bangkok, Thailand, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Pangulong Kamala Harris ng Amerika.
Sinabi ni Xi, na estratehiko at konstrutibo ang pagtatagpo niya kasama ni Pangulong Joe Biden sa Bali, Indonesya.
Ipinahayag din niya ang pag-asang ibayo pang daragdagan ng Tsina at Amerika ang pag-uunawaan, at babawasan ang di-pagkakaunawaan at mis-konklusyon, para pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.
Sinabi naman ni Harris, na isinagawa nina Pangulong Biden at Pangulong Xi ang matagumpay na pagtatagpo.
Dagdag niya, hindi nais ng Amerika ang pakikipagkonprontasyon o pakikipagsagupaan sa Tsina, at dapat isagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga isyung pandaigdigan.
Editor: Liu Kai