Xi Jinping at Peng Liyuan, nakipagtagpo sa hari at reyna ng Thailand

2022-11-19 18:24:33  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kagabi, Nobyembre 18, 2022, sa Bangkok, Thailand, sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, kina Haring Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Reynang Suthida Bajrasudhabimalalakshana ng Thailand.

 

Ani Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng Thailand, na ipagpatuloy ang espesyal na pagkakaibigan, at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din niya ang paghanga sa maharlikang pamilya ng Thailand, sa pagpapatingkad nito ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Thai.

 

Sinabi naman ni Vajiralongkorn, na kahanga-hanga ang mga natamong tagumpay ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Nakahanda rin aniya ang Thailand na ibayo pang palakasin ang pakikipagkaibigan sa Tsina.


Editor: Liu Kai