Ministrong pandepensa ng ASEAN at iba pang bansa, nagtipon sa Kambodya para talakayin ang mga hamong panseguridad

2022-11-23 16:44:55  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pagkakaisa para sa May-Harmonyang Seguridad,” ginanap ngayong araw, Nobyembre 23, 2022 sa Siem Reap, Kambodya ang Ika-9 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Ministers' Meeting Plus (ADMM-Plus), para talakayin ang mga paraan sa pagpapalakas ng seguridad, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

 

Lumahok dito ang mga ministrong pandepensa mula sa 10 bansang ASEAN at mga dialogue partner na kinabibilangan ng Tsina, Australya, Indya, Hapon, New Zealand, Timog Korea, Rusya at Amerika.

 

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, na ginaganap ang kasalukuyang pulong sa kalagayan ng tumataas na kawalang-katiyakan, mga pabagu-bagong hamon, masalimuot at kawalang-katatagan ng seguridad na pandaigdig at kapaligirang pangkabuhayan.

 

Ginagawa ng ADMM-Plus ang masusing papel sa pagpapasulong sa pag-uunawaan, sa pamamagitan ng matapat na pagpapalitan ng kuru-kuro, batay sa paggagalangan at pragmatikong kooperasyon, dagdag niya.

 

Inihayag naman ni Tea Banh, Ministro ng Depensa ng Kambodya na napakahalaga ng kasalukuyang ADMM-Plus, para talakayin ang mga solusyon sa mga nakatagong hamong panseguridad na nagsasapanganib sa kapayapaan at kaunlarang panrehiyon at pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio