Premyer Tsino, bumati sa bagong Punong Ministro ng Malaysia

2022-11-26 18:46:36  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Nobyembre 25, 2022, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Anwar Ibrahim bilang pagbati sa kanyang panungkulan bilang Punong Ministro ng Malaysia.

 

Sa mensahe, sinabi rin ni Li, na tuluy-tuloy na pinapalakas ng Tsina at Malaysia ang pagtitiwalaang pulitikal, at pinapalalim ang win-win na kooperasyon. Ito aniya ay nagbibigay ng ambag sa kapayapaan at kasaganaan sa kapwa bansa at rehiyong ito.

 

Ipinahayag ni Li ang kahandaan, kasama ni Anwar, na ibayo pang pasulungin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia, patuloy na itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, at idulot ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.


Editor: Liu Kai