Xi Jinping, nakikiramay sa Solomon Islands na apektado ng lindol

2022-11-26 18:45:27  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Nobyembre 25, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Gobernador Heneral David Vunagi ng Solomon Islands bilang pakikiramay sa lindol na yumanig sa bansang ito noong Nobyembre 22.

 

Nakahanda ani Xi ang Tsina, na bigyang-tulong, hangga’t makakaya, ang Solomon Islands, para tugunan ang kalamidad at muling itayo ang tahanan ng mga apektadong mamamayan.

 

Nang araw ring iyon, ipinadala naman ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands.


Editor: Liu Kai